Pacman, BIR at income tax deadline

BUKAS Martes Santo ay deadline ng income tax filing ng mga empleyado ng pribadong sektor o gobyerno at mga negosyante, kasama na si Manny Pacquiao.

Matapos maipanalo ang laban kay Timothy Bra dley Jr. sa L as Vegas, Nevada kahapon, nakaabang na si BIR commissioner Kim Henares sa premyo niyang $26-M, at dito kasama na ang parte niya sa pay-per-view sales.
Sa ngayon, higit P2.2 B ang utang ni Manny sa BIR at ito’y sa mga laban niya noong 2008 at 2009. Nagbayad na siya ng P32-M pero ito’y hindi sa  utang sa income tax kundi sa Value Added Tax (VAT) lamang. At ngayon madadagdagan pa ito sa kanyang inaasahang premyo kay Bradley na P900-M .

Kung masusunod ang BIR, kailangan pang  lum   aban ni Manny siguro ng apat pang Bradley para makabayad sa BIR. Of cours e, pwede siyang makipagnegosasyon para lumiliit ang kanyang  utang na P2.2B at alisin ang mga 20% penalties at surcharges na nagkapatung-patong.  Ang kaso, kinuwestyon ni Manny ang assessment sa Court of Tax Appeals kaya’t laban kung laban.
vvv
Sa totoo lang, masakit sa bulsa ang 32%  na kinakaltas ng gobyerno sa kinikita ng mga empleyado na walang lusot dahil sa “witholding tax” sa kanilang payslip. Totoo na ang mga minimum wage earners ay exempted ngayon sa income tax pero bugbog naman sila sa 12% VAT sa mga bilihin.
Katunayan, iton  ngang sina Sen. Ralph Recto (na siya namang nagsulong ng VAT)  at ibang mambabatas ay isinusulong na gawin 26% na lamang ang withholding tax. Ayos na rin ang 6%, malaking tulong ito sa pamilya.
Kaso, mukhang pera nga ang gobyerno at lalong mukhang pera ang mga naniningil na foreign creditors tulad ng IMF,World Bank na wala nang inasikaso kundi utusan ang Aquino administration na taasan ang mga buwis kasama ang government fees at lisensya, kaya imposible na bumaba ito.

Ang mga ahensya ng gobyerno na dapat sana ay halos libre ang serbisyo  ay ibinenta na  o kaya naman ay pinatatakbo at pinagkakaperahan na ng mga ne gosyante. Ang kaso pinatungan pa ng VAT.

Ok lang sana kung ginagastos ang kinakaltas na buwis ng gobyerno sa public service, ang kaso napupunta sa PDAF, sa NGO na katulad ng kay Napoles, o kaya’y ginagamit sa pulitika ng Aquino administration, talagang manggagalaiti ka sa galit.

Holdap na nga sa payslip, holdap rin sa bawat bilihin dahil sa VAT kaya wala nang natitira sa ating sweldo. Totoong isang kahig isang tuka na ang buhay ng marami sa atin. Pero, ang mga  GOCC’s, daang milyong piso ang mga bonus. Ayon sa COA, bilyun-bilyong piso ang mga unliquidated cash advances mula pa noong panahon ni Cory, FVR, Erap, GMA at PNoy. At Siyempre lahat ito ay galing sa buwis nating lahat na Pilipino, minimum wage man ang sweldo o kaya’y singyaman ni Pacman.

Sana naman, makonsensya ang bawat opisyal at empleyado ng gobyerno, kasama na ang mga kontratista at negosyante na nakikinabang sa mga buwis na ibinabayad natin. Marami pa ring pipila sa deadline bukas , at magrereklamo sa malaking kaltas sa ipon. Pero di puwedeng tumanggi dahil kakasuhan ka.

READ NEXT
Foreigner BF
Read more...