Foreigner BF

Sulat mula kay Minda, ng Barangay Del Carmen,  Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Mag-iisang taon ko nang ka-chat ang foreign er at mahigit sa kaibigan ang aming huntahan sa internet at cam.   BF-GF na kung ituturing ang la  man ng mga pag-uusap namin at ngayon ngang kapaskuhan ay darating siya at ang sabi niya’y magpapakasal na raw kami.  Siya na ba ang mapapangasawa ko?  Magiging maligaya ba ako sa kanya?  Siya po ay isinilang noong Peb. 2, 1969 at ako naman ay Nob. 29, 1991.
Umaasa,
Minda, ng Barangay Del Ca rmen, Iligan City
Solusyo n/Analysis:
Palmistry:
Bukod sa iisa lang ang Marriage Line sa iyong palad, kapansin-pansin ding may malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin, kung sino ang first love mo iyon na ang iyong mapapangasawa mo at pagkatapos ng nasabing pag-aasawa, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Diamonds, Five of Hearts at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing isang lalaking mayaman o may kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa at sinasabi ding nakatakda na rin kayong magkikita.
Itutuloy….

Read more...