Anne sa madlang pipol na nasa beach: Mag-ingat kayo sa killer dikya!


Bumalik na si Anne Curtis noong Sabado sa It’s Showtime matapos mag-absent ng ilang araw dahil sa pagkaka-confine sa ospital matapos mabiktima ng killer dikya sa taping ng Dyesebel.

Siyempre, miss na miss ni Anne ang mga kasamahan niya sa noontime show ng Dos kaya medyo naging emosyonal siya. Sey ni Dyesebel, hindi raw kumpleto ang buhay niya kung hindi siya nakakapagpaligaya ng manonood sa Showtime.

Winelkam naman ni Anne ang “madlang people,” kasabay ng muling pagpapaalala sa mga magpupunta sa dagat ngayong summer season, “Mag-ingat sa mga dikya!”

Read more...