Gretchen Fullido dinenay na magdyowa sila ni Jake Ejercito


Speaking of Andi Eigenmann ay iritado raw ito sa rumored boyfriend niyang si Jake Ejercito na nali-link sa TV Patrol showbiz correspondent na si Gretchen Fullido.

Ilang beses naman naming tinatawagan si Gretchen para tanungin tungkol kay Jake pero hindi kami sinasagot, alam siguro niyang ito ang itatanong namin sa kanya.

Isang kaibigan ni Gretchen ang tinanong namin kung may alam siya sa dalawa, “natatawa nga si Gretchen kasi hindi raw totoo, may iba siyang dine-date.

“I know nagkausap na rin sila ni Andi at nagkakatawanan din, it’s not true, sino ba nagsimula n’yan?” balik-tanong sa amin.

Samantala, wala rin namang inamin si Andi na nagseselos siya kay Gretchen dahil bisi-bisihan siya sa taping ng Dyesebel bilang madly in love kay Gerald Anderson na gumaganap naman bilang si Fredo na inampon ni Dawn Zulueta.

Read more...