Marian adik sa pagpapakita ng seksing katawan kay Dingdong

Nakakatawa ang paraan ni Marian Rivera para hindi siya “makalimutan” ni Dingdong Dantes. The GMA primetime queen is really a league of her own when it comes to naturalness and truthfulness but you have to be very close to her for Marian to open up to you the way she does to our group every time we visit her on the set of Carmela or post interview with her in a presscon.

We understand where she’s coming from ha, ilang beses na siyang nasunog sa aming kasamahan sa panulat, getting her trust only to be betrayed later on so talagang namimili siya sa mga kakaibiganing press.

During our latest press visit sa Carmela, ang EP and AP na ang nag-confirm sa amin that the number one primetime soap is indeed extended and will not end after Holy Week but will cross over next month sa Tele Babad block after Kambal Sirena.

Puwedeng-puwede pa nga raw itong ma-extend to more weeks kung makakaisip ang creative ng paraan para humaba ang kuwento at hindi ito lumaylay and Marian is open about it kasi matagal pa ang next show na naikuwento na siya sa amin but can’t write up.

Now, when Marian does on-the-record, kalurky ang mga sagot niya at mapapasigaw ka sa kakatawa. Every Holy Week tradition na for Marian and Dingdong to go out of the country or out of town pero ngayon, inaayos pa lang nila ang itinerary nila so not sure pa kung saan, wait na lang daw sa mga Instagram pictures niya.

Biniro siya ng kasamahan namin na ‘ipapakita mo na naman ang katawan mo kay Dingdong,’ at ang sagot ng Marian, para hindi raw siya makalimutan ng boyfriend o di ba funny gaga?

( Photo credit to marianfanpage )

Read more...