Nakakaloka pala talaga ang nangyari kay Gerald Anderson. Sa chikahan nila ni Ogie Diaz na nasulat sa isang Facebook fanpage ay nalaman naming muntik nang malunod ang actor.
Nagte-taping siya ng sirenaserye ni Anne Curtis sa Subic. Sa isang swimming pool ang eksena at paahon na ang binata nang siya ay hinimatay. Walang malay si Gerald for 30 seconds.
Nagkamalay na lang siya nang masuka siya dahil sa rami ng nainom niyang tubig sa pool. Nagpalakpakan nga raw ang mga staff nang umahon siya, unaware na merong nangyaring hindi maganda sa kanya.
Ano ba ‘yang sirenaserye ni Anne, parang minamalas. Nu’ng una ay ang pagkaka-ospital ni Anne because of dikya sa taping din ng Dyesebel ngayon naman ay itong si Gerald.
Kailangan sigurong doblehin (or make it triple pa) ang pag-iingat sa location ng Dyesebel dahil mukhang lapitin sila ng disgrasya.
( Photo credit to geraldandersonfanpage )