James sinwerte pero sunud-sunuran sa ex-misis


IN FAIRNESS, marami naman daw ang natuwa sa pag-invite ni Kris Aquino sa ex-hubby nitong si James Yap sa birthday celebration ng anak nilang si Bimby.

They played a couple sa birthday party ni bagets and in fact, meron pa nga raw seven wishes si Bimby dahil seven years old na nga siya and two of those wishes ay pang-Miss Universe ang dating – to see every Pinoy rich and world peace.

Nakakaaliw, di ba? Parang sagot lang sa beauty pageants pero don’t get us wrong ha – hindi bading si Bimby. In fairness to the young boy, he is growing up to be a very handsome boy at walang bahid ng kaberdehan.

Naaliw lang kami sa mga wishes niya – parang hindi siya ang nagsasalita – parang nanay niyang nagbabalak yatang pumasok sa pulitika. Ha-hahaha!

“Okay na sana yung inimbitahan niya si James sa birthday celebration ng anak nila pero medyo turn off lang kami na kailangang mag-interbyuhan sila on camera para sa kaniyang morning show.

Pati ba naman iyon ay ginagamit niya para mag-rate ang program niya? Puwede namang mag-celebrate si bagets na private lang, di ba?

“Ito talagang si Kris, oo. Gusto palaging may camera para hindi nauubusan ng pag-uusapan about her. Takaw na takaw sa limelight ang babaeng iyan talaga.

May paiyak-iyak pa, gamit na gamit niya si James sa lahat ng kalokahan niya. Kaya wala kaming bilib sa babaeng iyan, matalino nga pero wala naman sa lugar,” talak ng isang nakapanood daw ng interbyuhan nina Kris at James.

Para naman kayong bago nang bago kay Kris – kung hindi niya ginawa iyon, hindi siya si Kris Aquino, ang babaeng takaw na takaw sa publisidad. Ine-enjoy niya yung every page ng dyaryo ay siya ang nakabalandra.

Ganyan kahibang ang babaeng iyan sa publicity. Good or bad. Pero siyempre mas gusto niya ng good – yung pinupuri siya palagi – na maganda siya gayong hindi naman; na magaling siyang umarte gayong lalong hindi naman talaga; na sexy siya at hinahabol ng mga kalalakihan gayong isang malaking ilusyon lang naman.

Kung pakaisipin ninyo, si Kris ang pinakamagaling na komedyante sa mundong ito – she believes everything that she feels and imagine, ang buhay para sa kaniya ay parang isang malaking entablado lang – literally and figuratively, di ba? Nakakatawa ang babaeng iyan, ever since.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Read more...