Hindi talaga pumunta ang Italian girlfriend ni James Yap na si Michaella Cazzola sa 7th birthday party ng anak ni Kris Aquino na si Bimby.
Yesterday on Kris’ morning show, the TV host read the text message of James’ GF, “Hindi daw pupunta si Michaella nag-text…here’s the text. ‘I trully appreciate your invitation.
I do not want to intrude in this special occasion but I’m looking forward to other chances to celebrate. Wishing the birthday boy a wonderful party.’ Forwarded to me by the father (James).”
Mismong si Kris ang nagsabi kay James early this week na isama niya ang kanyang dyowa sa party ni Bimby, pero mukhang nahiya nga ang girl.
But we also believe na si James na ang nagbawal sa Italyana na wag nang pumunta para makaiwas sa kontrobersiya.
( Photo credit to krisaquinofanpage )