Bistek ikinahihiya ang relasyon kay Kris; hinding-hindi liligaya



Sa isang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan naming walang hilig sa showbiz, pero siyempre’y ayaw magpahuli sa mga kuwentong-artista, ay naikutan namin ang paksa kung bakit si Kris Aquino lang ang nagsasalita-umaamin tungkol sa kanilang relasyon ni Mayor Herbert Bautista.

Ang komento ng isang kaharap namin, “It should be the guy, lalaki dapat ang umamin sa relasyon nila, mahalay kapag babae pa ang nagsasalita. Respeto ‘yun sa babae.

“Pero bakit walang kahit anong sinasabi si Mayor Herbert, bakit palaging si Kris lang ang nagsasalita about their relationship, ikinahihiya ba niya ang karelasyon niya?” pang-uusisa pa ng aming kaharap.

Hindi talaga maiiwasang mag-isip ang marami ng ganu’n dahil hanggang ngayon nga ay ni walang pinakakawalang pahayag ang aktor-politiko.

Gasgas na ang dila ni Kris sa kaaamin tungkol sa bago nilang relasyon ni Mayor Bistek, pero ang lalaki naman ay nananatiling tahimik lang.

Kilala sa pagiging malihim sa kanyang personal na buhay si Mayor Herbert, ngayon nga lang nalaman ng publiko na meron na pala itong anak na disiotso anyos, pero parang biniro ng kapalaran ang komedyante dahil ang karelasyon nito ngayon ay isang babaeng walang kayang itago sa buhay.

Ngayon matitikman ni Mayor Herbert ang ayaw nitong matikman. Napakasipag pa namang mag-tweet at mag-FB at mag-Instagram ni Kris, konting kibot lang ay nakaposte na du’n ang lahat ng mga ginagawa niya, makaliligtas kaya du’n si Mayor Herbert?

Marami namang nakikisimpatya kay Mayora Tates Gana, ang dalawang dekada nang karelasyon ng punong-lunsod ng Kyusi at ina ng dalawa nitong anak na sina Athena at Harvey, ganu’n na nga lang ba naman ‘yun?

Nagkakaisang sabi ng mga nakakausap namin ay hindi magiging maligaya si Kris Aquino sa piling ng politiko kapag ganyan na may mga natatapakang tao at lumuluha habang nagpapakasarap sila.

 

Read more...