Ika-9 puwesto iiwasan ng Meralco, Barako Bull | Bandera

Ika-9 puwesto iiwasan ng Meralco, Barako Bull

Barry Pascua - April 11, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
5:45 p.m. Meralco vs Barako Bull
8 p.m. Globalport vsTalk ‘N Text
Team Standings: Talk ‘N Text (8-0); San Miguel Beer (5-2); San Mig Coffee (4-2); Alaska Milk (4-3); Air21 (3-4); Barangay Ginebra (3-4); Meralco (3-4); Rain or Shine (3-3); Barako Bull (2-5); Globalport (0-7)

KAPWA naghahangad na makaiwas sa ikasiyam na puwesto ibubuhos ng Meralco at Barako Bull ang lahat ng kanilang makakaya sa kanilang salpukan sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5:45 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa ikalawang laro sa ganap na alas-8 ng gabi, kukumpletuhin ng Talk ‘N Text  ang nine-game sweep ng elimination round sa pagkikita nila ng nangungulelat na Globalport.

Ang Bolts ay kasama ng Barangay Ginebra San Miguel, Rain or Shine at Air21 sa kartang 3-4 matapos ang 88-78 pagkatalo sa Gin Kings dalawang Miyerkules na ang nakalilipas.

Sa labang iyon ay nagparada ng bagong import ang Meralco sa katauhan n Darnell Jackson na humalili kay Brian Butch na pinauwi matapos ang anim na laro.

Umaasa si Bolts coach Paul Ryan Gregorio na maipakikita ni Jackson ang kanyang tunay na halaga laban kay Josh Dollard ng Energy. Halos isang buwan nang nasa bansa si Jackson.

Ang Barako Bull ay natalo rin sa kanilang huling laro kontra sa defending champion Alaska Milk, 78-71, at bumagsak sa ikasiyam na puwesto sa kartang 2-5. Bago ang kabiguang ito ay ipinalasap ng Energy sa Philippine Cup champion San Mig Coffee ang kanilang unang pagkatalo, 92-90.

Kung matatalo ang Barako Bull sa Meralco ay malalagay na ito sa balag ng alanganin. Kakailanganin nilang magwagi sa kanilang huling game kontra Globalport sa Linggo at umasang hindi na lalampas sa tatlong panalo ang Barangay Ginebra at iba pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending