AKO po si Judy Estoril ng San Jose Del Monte, Bulacan. Naka-confine po ngayon ang tatay ko sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Nais ko po sanang itanong kung hanggang saan po ang coverage ng PhilHealth ng tatay ko? Inisyu po ng 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ang Philhealth Card ng tatay ko kasi member po sila ng 4P’s ng DSWD. Base po sa mga nakalap kong data, wala na raw po kaming babayaran sa ospital ma-ging ito’y gamot o kaya bayad sa doctor at ospital dahil ang PhilHealth ng tatay ko ay subsidized ng gobyerno at kami ay nabibilang sa marginalized families.
Gaano po ba ito katotoo? Sana po ay mabigyan ninyo ng linaw ang aking mga katanungan.
Salamat po,
Judy
REPLY: Dear Ms. Judy:
Pagbati po mula sa PhilHealth!
Una po ay maraming salamat sa pakikipag-ugnayan sa amin upang mabigyang linaw ang in-yong katanungan tungkol sa ibinibigay na benepisyo ng PhilHealth para sa mga miyembro na nabibilang sa programa na 4Ps ng DSWD.
Tama po ang inyong nakalap na impormasyon hinggil dito. Ang mga miyembro po na may hawak na 4Ps ID ay otomatikong mapapabilang sa ating Indigent Program. Ayon po sa ating polisiya, ang mga miyembro na nasa ilalim ng Indigent Program, Sponsored Program at Household Help ay sakop ng ating tinatawag na No Balance Billing Policy o walang dagdag bayad mula sa pasyente para sa pagpapa-ospital nito. Kailangan lamang po na masunod ang mga sumusunod na kundisyon kung maa-admit sa isang ospital ang pasyente:
Ang pasyente ay dapat na na-confine sa isang pampublikong ospital;
Ang pasyente ay dapat na naka-admit sa isang ward at hindi nag-request ng pribadong kwarto;
Ang pasyente ay dapat na tinitingnan ng pampublikong duktor o hindi nag-request ng pribadong duktor
Sa ilalim ng ating No Balance Billing, sasagutin po ng ospital ang lahat ng gastusin ng pasyente kasama na ang mga gamot na gagamitin para sa nasabing confinement.
Kung magkakaroon po ng paglabag ang ospital, maaari po ninyo itong i-report sa amin. Maaari pong dumulog sa PhilHealth CARES (empleyado ng PhilHealth) na nakatalaga sa nasabing ospital o tumawag sa aming Call Center, 441-7442, o mag-email po sa actioncenter@philhealth.gov.ph o mag-text sa 0917-8987442.
Maraming
salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth Call Center: 441-7442
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!