Kathryn natupad na ang matagal nang pangarap, na-miss si Daniel

KATHRYN BERNARDO

Hindi lang kami sure kung nagkita at magkasama sa Paris, France sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Habang nasa Paris kasi ang teen queen ng ABS-CBN, patungong London naman si DJ para sa concert nila ni Yeng Constantino.

At kung hindi man nakasama si Daniel, sure kaming na-miss ni Kathryn ang kanyang ka-loveteam.

Pero sigurado kami na kahit hindi nakasama ni Kathryn si Daniel sa kanyang Paris vacation, ay super happy pa rin siya dahil finally natupad na ang isa sa mga ultimate dreams niya.

Sa kanyang official Instagram account, nag-post si Kath ng kanyang mga pictures sa mga sikat na landmark sa nasabing bansa na tinaguriang “City of Love”, tulad na lang ng Eiffel Tower at ang Seine river.

Sabi pa ni Kathryn sa kanyang post, “Don’t let your dreams just be dreams…!” Kasama ng young actress ang kanyang pamilya sa pagbabakasyon sa Paris bilang bahagi pa rin ng kanyang 18th birthday celebration.

Sey pa ni Kathryn, “This place will be forever in my heart. (love, love,love)!”

Sa pagbabalik naman ng dalaga, sisimulan na nila ni Daniel ang shooting ng kanilang susunod na pelikula, ang “She’s Dating The Gangster”.

Read more...