SI Rubielyn Garcia ang ikaapat na taga-media na pinatay sa Cavite.
Si Bert Berbon, reporter ng ABS-CBN, ay binaril at napatay noong Dis. 15, 1996 sa Barangay Anabu, Imus. Si Berbon, pangulo ng Samahan ng mga Mamamahayag sa Kabite (Samaka) ay binaril sa kanyang bahay, tulad ng insidente kay Garcia. Solved daw ang kaso dahil nakasuhan ang jailguard na si Espinelli.
Si Dennis Remos, correspondent ng Remate, ay binaril at napatay noong 2001 sa Bacoor (din). Remate correspondent din si Garcia.
Si Arnulfo Villanueva, ng Asian Star Express Balita, weekly tabloid sa Calabarzon at nakabase sa Dasmarinas, ay binaril at napatay sa Naic noong Peb. 28, 2005.
Si Jun Valdecantos, dating correspondent ng Bandera Tonight, ay binaril noong Marso 15, 2013 sa Bacoor (din), pero di napuruhan dahil naging malikot ito nang makitang nakatutok ang baril sa kanya.
Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan si Valdecantos dahil malaki ang katawan nito. Dahil sa aral din sa baril si Valdecantos ay alam niya kung paano makaligtas at di mapuruhan.
Hindi ito pambihira dahil ginagawa rin ito ng mga sundalo kapag inaambus, at ng Green Beret noon sa Vietnam.
Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng death threat mula sa isang alkalde noong 1981, pero di ako natunton. Tumambay ang mga hitman sa Cavite. Hindi ako nakatira sa Cavite. Ang pamamaslang ng mediamen sa Cavite ay may pattern, o tinawag na “padron.”
Nilulusob ang mga ito sa bahay. Para habang tumatakas at nasa kalye at may kakilalang nakakita ay walang makapagsasabi na “lumakad” ang mga ito.
Nakaugalian na sa Cavite na kapag may sunud-sunod na putok sa labas ng bahay, nagtatago ang mga kapitbahay at baka madamay pa sila. Ang mga tirador sa Cavite ay nagpapalamig pagkatapos ng trabaho.
Itinuturong suspek si Supt. Conrado Villanueva sa pamamaslang kay Garcia, base sa pahayag umano ng biktima bago mamatay.
May kapasyahan ang Supreme Court hinggil sa pahayag ng mamamatay.
Ayon sa SC, matibay ito. Maaaring ito ang gamitin laban kay Villanueva. Pero, kailangang patunayan kung may galit o malaki ang galit ni Villanueva sa biktima. Minsan lang nakita at nakausap ni Villanueva si Garcia.
Sa pagkikitang iyon ay naghintay si Garcia dahil may miting si Villanueva at maaaring nayamot sa kahihintay ang mamamahayag.
Matagal na nakadestino si Villanueva sa Crame at noon lamang 2013 itinalaga sa Cavite. Karaniwang tumitibay o umaasim ang samahan ng mamamahayag at opisyal ng pulisya sa Cavite kapag tumagal ang termino ng may kapangyarihan sa lalawigan. Gayunpaman, kailangang maparusahan ang mga pumatay kay Garcia at malaman ang dahilan ng pamamaslang at kung may kaugnayan nga sa kalayaan ng pamamahayag.
MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Kaya tinawag si PNoy na poor manager kasi wala siyang advance thinking. Sa relief goods pa lang, inuuod na kasi walang saktong pag-iisip sa sistema. Another is iyong bigas na ibinenta raw ng taga-DSWD. Sister ni PNoy, idinadawit pa sa MRT scam. Dapat si Mayor Digong Duterte na ang dapat mamahala sa bansa para masupil ang ganyang mga pangyayari. …2920
Umaasim ang panlasa ko kay Ramon Tulfo dahil hindi tama yung bira niya kay Capa. Simula 2007, naamoy na ang maniobra sa Pag-IBIG Fund. Anim o pitong bilyon ang kinamkam sa Pag-IBIG. Ernie Dueras, 46, ng Santa Rita, Pampanga.