Pacquiao magreretiro kung matatalo vs Bradley

MAGRERETIRO si Manny Pacquiao kung matalo siya uli ni World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Timothy Bradley sa rematch   sa  darating na Linggo  sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ayon kay trainer Freddie Roach, nagkasundo sila ni Pacquiao na titigil na sa pagboboksing kapag makita ni Roach na tunay na bumaba na ang lebel ng Pambansang Kamao at masasabing mababa na ito kung matalo uli kay Bradley.

“If that happens (lose to Bradley), then we’ll have that discussion,” wika ni Roach sa Ringtv.com. Pero sa itinakbo ng training camp ni Pacquiao para kay Bradley, malabong magretiro ang Kongresista ng Sarangani Province matapos ang bakbakan.

“I don’t think that it’s close to being over. His work ethic is great and he’s training really hard and he’s not missing a step anywhere. I think that you’re gonna see us around a lot longer than you think,” dagdag ni Roach.

Nasa Las Vegas na ang Team Pacquiao at agad silang dinumog ng mga mamamahayag upang alamin ang kondisyon ng  dating multi-division world champion.

Tiniyak ni Pacquiao na handang-handa na siya sa muling pagtutuos nila ni Bradley at patutunayan niya sa gabi ng laban na taglay pa niya ang killer’s instinct na sinabi ng kasalukuyang WBO champion na nawala na.

“Of course, I’m always thinking about his challenge to me that I don’t have that killer instinct or that hunger anymore. So I have to prove that to him and to myself. I will show him my speed and my power,” wika ni Pacquiao.

“My plan in this fight is to throw a lot of punches. I don’t care if the fight is stopped or not. This time, I have to prove that I can still give a good show, that I’m a hungry Manny Pacquiao,” dagdag nito.

Naunang dumating si Pacquiao sa Las Vegas dahil mas pinili muna ni Bradley ang pumunta sa Staples Center at panoorin ang laro ng Los Angeles Lakers at Houston Rockets.

Isinabay na rin niya ang pag-promote ng nasabing rematch nang nakapanayam nina dating NBA stars at ngayon ay TNT commentators na sina Reggie Miller at Chris Webber.

Matapos nito ay didiretso na ang Team Bradley sa Las Vegas at sa Huwebes ay makakaharap niya ng personal si Pacquiao para sa huling press conference.

( Photo credit to INS )

Read more...