Heart tumangos ang ilong dahil hindi kumakain ng asin


Nagkaroon ng time si Heart Evangelista with her followers on Twitter. Nagbigay siya ng oras para masagot ang mga tanong ng kanyang fans.

Among those na nabasa namin ay ang kanyang reaction sa chismis na nagparetoke siya ng ilong. To answer it, nag-post si Heart ng photo niya wherein medyo binali niya nang konti ang isang portion ng kanyang nose. It was accompanied by this message:

“My reaction to those who say I got my nose done…;) im flattered though:) #askmeanythingtime #twitter #instagram @heartworld.”

Meron namang nag-react na guy at talagang ikinaloka namin ang kanyang revelation about the actress, that is, kung matatawag ngang revelation ‘yon.

“Maganda tlga ang ilong ni @iamhearte, kc di ba nga hindi ka kumain n ng may asin… Naalala ko pa n sabi mo ngpapalaki ng nose ang pagkain ng asin,” the guy said.

True ba  Heart, na hindi ka kumakain ng food na may asin? Nag-post din si Heart ng ini-endorse niyang luxury watch. Sosyal na sosyal ang shot niyang iyon.

Pansin namin, si Heart carry ang mag-endorse ng mamahalin na products. ‘Pag siya ang nag-pitch ay may credibility. Si Heart kasi ay may class na image, hindi palengkera.

Hindi tulad ng ibang celebrity na kahit nakatapos ng kolehiyo ay wala pa ring class at walang breeding! Kung sabagay, you cannot buy class. It’s either you HAVE it or you DON’T!

( Photo credit to gma )

Read more...