Julie Anne lilipat na sa ABS, fans nina Sarah at Daniel may banta


THERE are reports that Julie Anne San Jose is planning to move to ABS-CBN and this early ay threatened yata ang mga Popsters ni Sarah Geronimo. That piece of news apparently irked some fans of the Pop Star. Parang affected much sila.

“Wag na plsss…. my Sarah G na sa ABS,” pakiusap ng isang maka-Sarah. Na sinagot naman ng isang fan ng ganito, “Ganun bakit natatakot kayong lumipat si Julie sa Abs?

Kasi baka matalbugan nya sina Sarah G o kung sinu pang sikat sa Abs. wala namang magagawa kung ganun ang mangyayare!”
Tila hindi lang Sarah fans ang makakalaban ni Julie Anne because you must remember na nagkaroon din ng hindi magandang episode sina Julie Anne at Daniel Padilla nang kumalat ang chikang nilait nina Julie Anne at Elmo Magalona ang pagkanta ng ka-love team ni Kathryn Bernardo.

“Pgkatapoz nya sabihan ni Dj n boses plaka anu b yan! Marami ng mgagaling n singer ang kapamilya at bk8 p sya lilipat d b nga ng k Platinum n mga Album nya hahahahahahha,” sey ng maka-Daniel.

Ang feeling naman ng isang fan ay mas maganda nga kung nasa iisang network na lang sina Daniel at Julie Anne. “Kung lilipat man sya ok un, para kung sakali mang magkita sila ni DJ eh di makakapag sorry xa ng personal, bakit ang bitter ng iba?

Mas maganda nga un eh, mas marami mas masaya, i’m sure di yan pababayaan ng ABS, lahat naman ng artista ng dos may kanya kanyang genre ng pagkanta eh.. Kulang lang kc to sa publicity kaya di sumikat sa kabila,” one fan said.

True nga bang lilipat na si Julie Anne  sa Dos at meron nang negotiations na nagaganap? Hindi naman kaya maghabol ang Siyete at mag-counter offer sa singer-actress?

( Photo credit to ervinsantiago )

Read more...