Solenn kay Vhong: Hindi siya plastik at ipokrito!


Napakaswerte ni Vhong Navarro sa pagkakaroon ng leading lady tulad ni Solenn Heussaff. In fairness, hindi nagkamali ang Star Cinema sa pagkuha sa Kapuso actress bilang kapalit ni Angel Locsin sa “Da Possessed” na showing na sa April 19 (Sabado de Gloria) nationwide, directed by Bb. Joyce Bernal.

Sa nakaraan ngang pocket presscon ng nasabing pelikula, kitang-kita ang nabuong special friendship sa pagitan ng dalawa, at kahit alam nating may kanya-kanya na silang lovelife, matindi pa rin ang nakita naming chemistry sa pagitan nila.

Bukod sa pag-amin na super crush niya si Vhong noon pa, sinabi rin ni Solenn na hindi plastik o ipokrito ang TV host-comedian, “Ay, hindi, hindi siya hypocrite.

Kung ano ang nakita ko sa personality niya na nakita ko sa shows niya, sa interviews sa kanya, pareho kung ano siya sa likod ng camera. Kung ano sa siya harap ng camera, ganu’n din sa likod.”

At kahit nga inaakusahan siyang rapist, hindi nawala ang respeto niya kay Vhong, “For me, it even make him stronger kung anuman yung pagsubok sa kanyang buhay. It’s a plus.”

Anyway, bukod nga kay Joey Marquez, kasama rin sa “Da Possessed” na mananakot at magpapaiyak sa inyo sa katatawa sina John Lapus, Smokey Manaloto, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Empoy, Matet de Leon, Joy Viado at marami pang iba.

Napanood na namin ang trailer ng movie at mukhang tama ang sinabi ng mga co-stars ni Vhong, sa gitna ng mga iskandalong kinasangkutan niya, hindi pa rin nawawala ang magic niya sa pagpapatawa.

( Photo credit to ervinsantiago )

Read more...