Heat nasilat ng Nets


MIAMI — Gumawa si Joe Johnson ng 19 puntos habang sinupalpal ni Mason Plumlee ang dunk attempt ni LeBron James sa mga huling segundo ng laro para tulungan ang Brooklyn Nets na magtala ng four-game season sweep laban sa Miami Heat sa itinalang 88-87 panalo sa kanilang NBA game kahapon.

Ito ang ikatlong pagkakataon na tinalo ng Brooklyn ang Miami ng isang puntos at ang isa pa nitong panalo ay sa double overtime.

Umiskor si Marcus Thornton ng 16 puntos habang si Paul Pierce ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Nets, na naging kauna-unahang koponan sa huling dalawang taon na winalis ang Heat.

Ang Miami ang tanging koponan sa liga na tinalo ang lahat ng NBA teams nitong nakaraang season at mauulit sana nila ito kung nagwagi sila kahapon.

Nagtala si James ng 29 puntos, 10 rebounds at anim na assists para saHeat, na angat pa rin ng kalahating laro sa Indiana Pacers at isa sa loss column para sa No. 1 seed ng Eastern Conference.

Nag-ambag si Chris Bosh ng 12 puntos habang si Norris Cole ay may 10 puntos para sa Miami.

Thunder 107, Kings 92
Sa Sacramento, California, kumana si Caron Butler ng 23 puntos kabilang ang anim na 3-pointers para ihatid ang Oklahoma City sa panalo.

( Photo credit to INS )

Read more...