Joey sa relasyong ‘Kristek’: Kung saan sila happy!


HALATANG takot nang madamay ang TV host-comedian na si Joey Marquez sa relasyon ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Kris Aquino kay Mayor Herbert Bautista.

Sa presscon ng bagong pelikula niya sa Star Cinema, ang “Da Possessed” starring Vhong Navarro at Solenn Heussaff, todo iwas si Tsong Joey sa issue.

Siguradong nakarating na kay Tsong ang pag-amin ni Kris on national TV na may relasyon nga sila ni Bistek, pero nang usisain nga siya ng entertainment media pagkatapos ng question and answer segment ng “Da Possessed” presscon, puro, “World peace!” lang ang isinasagot nito.

Pero napilit din ng media ang komedyante na sumagot sa tanong kung ano ang inisyal na reaksiyon niya nang mabalitaan niya ang tungkol kina Bistek at Kris, “Kung saan sila happy.” Sinundan ito ng tanong kung ano ang masasabi niya sa mga komento na tila may “pattern” ang pakikipagrelasyon ni Kris sa lalaki, “That’s life.

Kung buong mundo pare-pareho ng ugali, it would be boring.”  Naging magdyowa sina Joey at Kris ng halos isa’t kalahating taon bago naghiwalay noong 2003.

( Photo credit to krisaquinofanpage )

Read more...