Siyempre, tuwang-tuwa ang Pop Princess na si Sarah Geronimo nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa magagandang komento sa kanya ng mga magulang ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.
Nang kumustahin ng press si Matteo tungkol sa nakaraang niyang birthday party na naging kontrobersiyal nga dahil sa pagpunta roon ni Sarah at ng nanay nitong si Mommy Divine, sinabi ng binata na isa na raw ‘yun sa pinaka-happy na birthday party niya.
“It was a good time. All my friends and family were there. ‘Yun lang. My parents love her. They think she’s like a Barbie doll. She’s beautiful daw,” ani Matteo.
Pero tulad ng dati, matipid pa rin si Matteo sa pagkukuwento about him and sarah, “I don’t want to say anything because I don’t want to lie or say anything negative so I just want to keep quiet.
I don’t want to put a label. I just want to respect her family and everything. We’ll see what will happen. Basta siya na ang bahala.”
( Photo credit to sarahgeronimofanpage )