Giginhawa rin (2) | Bandera

Giginhawa rin (2)

Joseph Greenfield - April 09, 2014 - 03:29 AM

Sulat mula kay Amelinda ng Barangay Lumbo,  Valencia City
Problema:
1.      Laki kaming magkakapatid sa lola namin.  Nasa murang isip pa lang ako nang iwan kami ng tatay at nanay namin sa aming lola, na noon ay nakaririwasa sa amin.  Siya na ang kinagisnan kong magulang.  Dumanas ako ng hirap sa lola ko dahil napaka-istrikto niya.  Nang dahil dito ay napaaga ang aking pag-aasawa.  Sa una’y maalwan ang buhay ko pero nang di maglaon ay mahirap na at mas mahirap pa noon.  Magsisi man ako ay wala ring mangyayari.
2.    Iresponsable at lasenggo pala ang napangasawa ko.  Pagkatapos ng sunud-sunod na anak ay nakipaghiwalay na ako.  Muli, umibig na naman ako at nakisama sa lalaking may asawa na.  Wala siyang permanenteng trabaho pero hindi naman siya nananakit.  Kailan ba giginhawa ang buhay ko?  Ako’y isinilang noong Hulyo 15, 1988.
Umaasa,
Amelinda ng Barangay Lumbo, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing ang anak na isinilang sa sign na Capricorn, Taurus, at Pisces ang magdadala sa iyo ng isang sagana at maunlad na pamumuhay, kaya dapat lang na alagaan at mahalin mo siyang mabuti.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sadyang idadaan ka muna ng tadhana sa grabeng mga paghihirap at tiisin sa buhay, ngunit isang anak na isinilang sa petsang 14, o kaya’y 25 ang mag-aahon sa inyong mag-asawa sa kahirapan.
Luscher Color Test:
Lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabi mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandnag kapalaran.
Physiognomy:
Upang lalo pang palarin sa buhay, maglagay ka ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi. Kapag nagkaroon ka na ng nasabing nunal, tuloy-tuloy ng gaganda at yayabong ang iyong kapalaran sa aspetong pananalapi at pang-materyal na mga bagay.
Huling payo at paalala:
Amelinda, sa iyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na, matatapos na rin ang iyong mga paghihirap at ito ay magsisimulang maganap.  Isang lalaking anak ang makapaga-abroad at sa sandaling nakapag-abroad ang iyong anak, tuluy-tuloy na kayong susuwertehin sa buhay, hanggang sa makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyan na ring umunlad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending