DOC, magandang umaga. Talaga pong nakakabilib ang kolum ninyo sa Bandera. Tamang-tama pa dahil nasi ko po sanang ihingi ng advise sa inyo ang tungkol sa anak kong nagbibinata. Napansin ko kasi meron siyang under arm odor. Ano po ba ang dapat na gamot at gawin para hindi siya lubusang mangamoy? Salamat ang more power sa inyong health advocacies. — Concerned nanay
Dear Concerned nanay:
Kadalasan ang sanhi ng underarm odor ay kakulangan ng “proper hygiene”. Hindi miiwassan na pawisan kasi marami ang “apocrine sweat glands” sa kilikili na naglalabas ng “fatty fluids” para malangisan ang mga buhok “hair follicles”.
Kapag hindi nakalabas ang fluid dahil sa pagsikip ng daluyan nito sanhi ng “emotional stress”, naiipon ito sa loob at kapag kinain ng mikrobyo, ito ang nagiging sanhi kung bakit nangangamoy ang pawis.
Sa isang nagbibinatang gaya ng inyong anak, mahirap pa ma-master ang emotional stress, kahit nga matanda na mahirap din. Ugaliin na lang na malinis ang kilikili, uminom ng DALACIN C 100 mg 1 cap sa isang araw for 1 week at maglagay ng deodorant dry.
Pimples! Pimples! Nakakainis, nawala ang kinis! Pangit ang itsura, nakakahiya! Mapula, hindi mawala-wala! Masakit!
Lahat ng tao ay dumaan at dadaan sa ganitong karanasan. Walang pinipiling edad, kasarian at maging katayuan sa buhay.
Sakit ito sa balat nguni’t ang mga sanhi nito ay mas malalim pa sa nakikita.
Sa usaping pisikal, tunghayan natin ang lahat ng may kinalaman sa ating balat na nagdadala ng tagihawat.
Ang balat ng tao ay karaniwang napapalitan kada buwan. Ito ang pinakamalaking “organ” sa katawan. Kailangan na malusog ito dahil ito’y panangga sa pagpasok ng mga mikrobyo, depensa ng katawan sa epekto ng “external environment”, at kasama ito sa “immune system” natin.
Ginagamit ito sa “sensation” o pakiramdamdam (pressure, touch, temperature, vibration and injury-pain). Nagko-kontrol nito ang paglabas ng tubig sa katawan pati na rin ang pag-ipon ng tubig at oily fluids sa mismong balat at sa loob ng katawan.
Ang “pimple” ay sakit sa balat na nag-uumpisa sa pagbabara ng “oil glands”. Kung minsan ang tawag natin dito ay “Blackheads” o “Whiteheads” at “Papules (tigidig)”. Ang mga nakakabara ay ang “dead skin cells”, sebo, at pati buhok na nag-pipigil sa paglabas ng sebo galing sa “sebaceous glands”. Kapag pinasok ito ng mikrobyo, nagiging impeksyon ito at lalong lumalala ang pag-bara habang palala din ang pamamaga.
Minsan ang pimple ay may nana at posibleng lumala at magdulot ng impeksyon at peklat sa kinalaunan.
Paano maiiwasan ang tagihawat? Sa pamamagitan ng pagsulong ng kalinisan sa balat, pag-iwas sa “fatty and oily foods”, pag-iwas sa katabaan, pag-tulog ng sapat, pag-inom ng maraming tubig, pag-ehersisyo, pag-iwas sa “stress”.