SA wakas, umamin na rin si Kris Aquino sa tunay na estado ng relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, so ang alkalde pala talaga ang nagpapakilig ngayon sa kanya at gabi-gabing binabati sa Aquino & Abunda Tonight ng ABS-CBN.
Ilang linggo na ring pahulaan sa publiko kung sino ang bagong inspirasyon ni Kris, pati nga ang mga nananahimik niyang mga kaibigan ay na-link sa kanya tulad ng gobernador ng Bataan at sina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga.
Nabanggit din ang pangalan ni Makati Mayor Jun-Jun Binay. At nu’ng Lunes nga ng gabi, kinumpirma na ni Kris sa Aquino & Abunda Tonight na si Bistek nga ang lalaking lagi niyang ka-date. Binasa ni Kris sa show ang joint statement nila ni Herbert.
Dito nga inisa-isa ni Kris ang mga naging kaganapan sa buhay nila ni Bistek bago nila napagdesisyunan na aminin sa buong mundo ang kanilang pagmamahalan.
Ayon kay Kris, sa loob ng apat na taon niyang pagiging single, matapos ang break-up nila ni James Yap, wala siyang ipinakilalang lalaki sa kanyang pamilya, tanging si Bistek lang.
“Wala po akong pinakilala sa mga anak ko at sa mga kapatid ko for four years, because there was nobody I was ready for, and more importantly, there was nobody they were ready to meet.
My siblings impressed upon me that I needed to become whole on my own first, so as not to commit another mistake. “And thank God I listened. It was a journey that was often times lonely and painful, yet one I needed to travel to become the person I am today.
And now, there is somebody in my life who is special.” Mainit naman daw na tinanggap ng pamilya Aquino ang alkalde ng Quezon City kaya natutuwa ang Queen of all Media.
Sabi pa ni Tetay, “Sa edad, napagdaanan at estado naming dalawa, alam namin na seryoso ang pinapasok namin. We both chose public careers that have given us deep fulfillment, and we do have exceptional professional and personal responsibilities.
And part of that is being answerable to all of you.” Nangako rin ang TV host-actress na ito na ang huling pagkakataon na magsasalita siya about Herbert, “I promised him that our relationship won’t be a distraction in his obligations to the three million residents he took an oath of office to serve.”
Sey pa ni Kris, “In turn, Herbert has expressed his admiration and respect for the dedication and hard work I have put into my profession. He values the love, you, my audience, and I have shared on a daily basis for almost 20 years.
I am 43 and, on May 12, he will be 46. “I am sure all of you who are watching me now will agree when I state that staying together, that choosing to love one another, requires much day-to-day effort.
“And if there is something that the past has taught me, it is that I cannot be in this alone…We are a work in progress and it’s a joint project that both of us are happily undertaking with maturity, respect and commitment.
“Sana nasagot na po lahat. Wala na po akong idadagdag du’n, it reflects everything that is in my heart and hopefully also in his heart.”
Ang tanong naman ni Boy Abunda sa kaibigan, “Kailan ang kasal?” na tinawanan lang ng malakas ni Kris. Anyway, kaya pala hindi kami sinasagot ni Kris nang i-text namin siya noong Lunes ng tanghali para alamin ang tungkol sa family dinner nila kasama si Bistek ay dahil may gagawin na pala siyang announcement.
Kung sakaling mauuwi sa kasalan ang lahat ay wala namang magiging problema dahil pareho silang single, technically ay binata si Herbert dahil wala naman siyang babaeng pinakasalan sa mga naging ina ng kanyang mga anak.
And this time kaya, magkaroon na sila ng pre-nuptial agreement na pinagsisihan nga ni Kris noong maghiwalay sila ni James?
( Photo credit to krisaquinofanpage )