P249.8M jackpot ng 6/55 Grand Lotto nasungkit sa Makati | Bandera

P249.8M jackpot ng 6/55 Grand Lotto nasungkit sa Makati

Leifbilly Begas - April 07, 2014 - 09:23 PM

(UPDATED)  SA Makati City tumaya ang nanalo ng P249.841 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

Ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Pio del Pilar st., Makati City. Siya ang nag-iisang tumaya sa lumabas na numerong 39-21-42-28-05-27 sa bola noong Lunes ng gabi.

Umabot sa P84.7 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Sa bawat pisong itinataya sa lotto, 55 sentimos napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi sa operasyon ng lotto. Nanalo naman ng tig-P169,410 ang 25 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.

Tig-P1, 250 aman ang 2,700 mananaya na nakakuha ng apat na numero at ang balik-taya (P20 ) ay 59,001 mananaya.

Kamakalawa ng gabi ang ika-30 bola ng Grand Lotto bago tinamaan ang jackpot prize mula Enero 20. Babalik sa minimum na P30 milyon ang jackpot prize sa larong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending