Kris pumayag makasama ni Bimby ang GF ni James


Naniniwala kaming okay na okay na talaga ang dating mag-asawang Kris Aquino at James Yap. E, kasi nga, pagkatapos ng maayos na usapan ng dalawa para sa kapakanan ni Bimby, aba, pumayag din si Kris na manood ang anak ng basketball game ni James kasama ang bago nitong girlfriend.

Marami ang nakakita na katabi pa ni Bimby sa upuan ang Italian dyowa ni James na si Michela Cazzola sa nakaraang game nito (last Sunday) sa MOA Arena.

Ibig sabihin lang nito, nagtitiwala na si Kris kay James at para payagan ang anak na makasama ang bagong dyowa ng kanyang ama, big deal na ‘yun para sa Queen of all Media.

So, masasabi rin nating walang katotohanan ang sinasabi ng iba na kaplastikan lang ang pag-imbita ni Kris sa girlfriend ni James sa birthday party ni Bimby sa April 19, dahil mukhang sincere nga ang TV host-actress sa gesture niyang ito.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Read more...