Robin 1 taon nang walang trabaho sa ABS, pero kayang-kaya pa ring buhayin si Mariel


Isang taon na palang walang TV show si Robin Padilla sa ABS-CBN simula nu’ng umalis siya sa Toda Max last year at hindi pa rin daw nagre-renew ng kontrata ang aktor, base sa kuwento ng manager niyang si Betchay Vidanes.

“Gusto munang magpahinga ng lolo mo, masyado sigurong napagod noong nakaraang taon,” katwiran sa amin ng manager.
Tinanong namin kung hanggang kailan magpapahinga si Binoe?

At paano ang pang-araw-araw nilang gastos ng asawang si Mariel Rodriguez? “E, siguro nakaipon naman kasi hindi naman maglalakas-loob na magbakasyon kung walang naitabi kasi marami rin siyang gastusin.

“At saka busy si Robin sa pelikulang ‘Bonifacio’, dito muna siya nagko-concentrate kaya ayaw muna niya ng TV show,” say pa ni Betchay.

( Photo credit to enterainment.inquirer.net )

Read more...