Mula kay JM, ng Cotabato City. July 18, 1991 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa taon ding ito magkaka-boyfriend ka na ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn.
Mula kay Cria ng …3712. December 14, 1968 ang birthday ko. Kailan ang suwerte kong panahon upang tumaya sa lotto at ano ang suwerte kong numero para maka-jackpot.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, mapalad ka tuwing sasapit ang buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto, sa nasabing panahon ka tumaya, sa particular na numerong 7, 25, 36, 35, 40, at 42, gayon din ang numerong 1, 19, 26, 31, 34 at 39. Sa ganyang paraan, ngayong taon hanggang 2014 tatama ka na ng malaking halaga.
Mula kay Roy ng Lamitan, Basilan City. Compatible po ba ang November 6, 1990 at June 24, 1991?
Tugon ni Mamda Sophia: Tunay na compatile at sa malapit na hinaharap, sa taong 2015 hanggang 2016, kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.