Sulat mula kay Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Prolema:
1. Sa huling bahagi ng taon ay limang taon na kaming nagsasama ng lalaking minahal ko nang hi git pa sa buhay ko. Tatlo na ang anak na kami at madalas ko na siyang tanungin ngayon kung kailan ba ang kasal namin.
2. Ang sagot niya: wala pa siyang plano. Ayaw kong lumaki ang mga bata, o madagdagan pa ang mga ito nang di kami kasal. Pakakasalan ba niya ako? Matagal ko nang pangaral na lumakad na suot ang traje de boda sa simbahan. December 3, 1985 ang birthday ko at August 1, 1981 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Chaz, mapalad ka, dahil tiyak na ang magaganap, kapag sinabihan mong muli ang inyong ka-live tungkol sa gusto mo na ng kasal, kusa niyang tutuparin ang iyong kagustuhan, upang pagsapit ng 2014, magiging abala na kayo kapwa sa paghahanda sa araw ng inyong kasal na nakatakda namang maganap sa nasabing taon sa buwan ng July ihaharap ka sa altar ng lalaki at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.