Pakakasalan ba? (2) | Bandera

Pakakasalan ba? (2)

Joseph Greenfield - April 07, 2014 - 03:15 AM

Sulat mula kay Chaz ng  Cabanglasan, Bukidnon
Prolema:
1.      Sa huling bahagi ng taon ay limang taon na kaming nagsasama ng lalaking minahal ko nang hi git pa sa buhay ko.   Tatlo na ang  anak na kami at madalas ko na siyang tanungin ngayon kung kailan ba ang kasal namin.
2.    Ang sagot niya: wala pa siyang plano.  Ayaw kong lumaki ang mga bata, o madagdagan pa ang mga ito nang di kami kasal.  Pakakasalan ba niya ako?  Matagal ko nang pangaral na lumakad na suot ang traje de boda sa simbahan.  December 3, 1985 ang birthday ko at August 1, 1981 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Chaz ng Cabanglasan, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
   Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang lalaking iyong kinakasama ay nagsasabing compatible at tugma nga kayong dalawa, kung saan, maaaring ang kinaiinipan mong kasalan ay maganap sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa susunod na taon.
Numerology:
Ang birth dates ninyo ay nagsasabing bukod sa tugma kayo sa Astrology, tugma din kayo sa Numerology, dahil ang 12 ay 15 ay kapwa divisible by 3. Ibig sabihin compatible na compatible nga kayo, kaya naman sa taon 2014, tulad ng nasabi matutupad ang pangarap mong kasal.
Luscher Color Test:
Sa araw ng kasal mapalad na motif ang kulay na pula o kaya’y lila, o violet sa nasabing kulay, tuloy-tuloy na pagpapalain at susuwertehin ang inyong samahan.

Chaz, mapalad ka, dahil tiyak na ang magaganap, kapag sinabihan mong muli ang inyong ka-live tungkol sa gusto mo na ng kasal, kusa niyang tutuparin ang iyong kagustuhan, upang pagsapit ng 2014, magiging abala na kayo kapwa sa paghahanda sa araw ng inyong kasal na nakatakda namang maganap sa nasabing taon sa buwan ng July ihaharap ka sa altar ng lalaki at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending