Sure na, Kris hindi tatakbo sa 2016; Boy ayaw na ring maging Kongresista


Naniniwala naman si Kuya Boy na magkakaayos din si Ai Ai at si Kris Aquino, “Ako naniniwala na it will get there. Although, hindi ko alam kung nagkausap na sila.”

Tungkol sa pagtakbo ni Ai Ai for public office sa Calatagan, Batangas on 2016 ayon kay Kuya Boy, years pa nila ito napag-uusapan, “I wouldn’t be surprised if she decides to go into it.

And I would respect it. Kris has no plans in 2016 as far as politics is concerned.”Since usapang politics na kaya si Kuya Boy naman ang tinanong namin sa plano niya sa 2016, “Ako rin, nagbago ang isip. I had plans for 2016 ko pero hindi na.”

May ibang priority na raw kasi ngayon si Kuya Boy at ‘yun ang kanyang ina na si Nanay Lesing, “Hangga’t inaalagaan ko ang Nanay. ‘Yun ang priority ko, e. Everything else is second. I’m not closing my doors on politics.

But definitely, not in 2016.”Di rin namin pwedeng palampasin na itanong sa kanya ang current state ng puso ng kaibigan niya na si Kris. Inamin ni Kuya Boy na sini-share sa kanya ni Kris ang lovelife niya.

Pero tumanggi siyang sabihin kung sino talaga ang boyfriend ngayon ni Kris. “Ay, hindi ko naman sasabihin. Ha-hahaha! Gusto ko manggaling sa kanya. Pero hindi ako magsisinungaling, alam ko lahat.”

Malamang si Derek Ramsay na nga, ang say namin sa kanya, “I invoke my right to smile. Ha-hahaha! Ayokong pangunahan dahil she can very well speak for herself, ‘di ba?”

Pero sila na nga ni Derek, hirit pa namin kay Kuya Boy, “Kung anuman ang katanungan na ‘yan, paano ko sasagutin ang tanong na ‘yan? You’re guess is as good as mine. Ha-hahaha!

“Hindi, but she always talks to me, she hears me out, she listens on what I have to say but she makes her decisions. She’s too smart to defend on anybody for her decisions.

Maganda ang sagot ko na ‘yan, ha! Pang-beauty queen. Ha-hahaha!” Samantala, magko-co-produce ulit sina Kuya Boy at Kris sa grupo ni Marvin Agustin sa concert international singer na si Jessie J sa Araneta Coliseum on July 14.

Magka-tandem sila ni Kris as producers at kinatawan ang Kris Aquino Productions, kung saan si Kuya Boy ang presidente. Bale, apat na production companies daw ang producer ng concert ng London-born na si Jessie J at kumanta ng “Price Tag.”

Regarding Kris Aquino pa rin, we found out na nagbawas pala siya ng kanyang personal staff. Wala na pala kay Kris ang kanyang personal hairstylist na si Imelda mula sa parlor ng dating make-up artist ng TV host- actress na si Bambbi Fuentes.

Pati ang yaya ni Kris ay tinanggal niya. So from, eight na laging karay ni Kris sa kanyang showbiz commitments, e, na-trim down na lang sila ngayon into five. Ewan kung nagko-cost cutting sa kanyang gastusin sa rami ng pinapasweldo niyang staff si Kris.

O baka naman may iba pang mas matinding dahilan si Kris kaya nagbabawas siya ngayon ng mga kasama sa buhay.

Read more...