Bobcats nasungkit ang playoff berth


CLEVELAND — Umiskor si Al Jefferson ng 24 puntos kabilang ang pito sa overtime para pamunuan ang Charlotte Bobcats na makasungkit ng playoff spot sa pagtala ng 96-94 panalo laban sa Cleveland Cavaliers kahapon.

Nakapasok ang Charlotte sa postseason sa ikalawang pagkakataon sa 10-taong kasaysayan nito at sa unang pagkakataon magmula noong 2010.

Ang Bobcats (39-38) ay lumagpas sa .500 sa ikalawang pagkakataon ngayong season at hawak ang ikapitong puwesto sa Eastern Conference.

Gumawa naman si Kyrie Irving ng career-high 44 puntos para sa Cleveland. Ang Cavaliers (31-47) ay naghahabol ng 3 1/2 laro sa nasa ikawalong puwesto na Atlanta Hawks para sa huling playoff spot sa East.

Tumira si Irving ng 16 of 31 mula sa field kabilang ang limang 3-pointers. Nag-ambag din siya ng walong assists at pitong rebounds.

Ibinigay ni Gerald Henderson sa Charlotte ang 90-89 kalamangan may 1:08 ang nalalabi sa laro bago nagbuslo ang Bobcats ng apat na free throws para selyuhan ang kanilang panalo.

Nets 105, 76ers 101
Sa Philadelphia, gumawa si Kevin Garnett ng scored 10 puntos sa kanyang unang laro matapos ang limang linggo para tulungan ang Brooklyn Nets na daigin ang Philadelphia 76ers.

Ang 37-anyos na si Garnett, na bumalik rin sa starting lineup kahapon, ay hindi nakapaglaro sa 19 diretsong laro magmula noong Pebrero 27 bunga ng back spasms. Ang Nets ay nagtala ng 14-5 karta sa panahong iyon.

Read more...