James Reid ikinahihiya ang GF, ayaw ipakilala sa madlang pipol
James Reid, although meron na ring konting followers, ay veritable unknown pa rin ang dating. Mabuti nga at nabigyan siya ng movie. Actually, he’s guwapo and really celebrity-looking pero parang may kulang pa sa kanya.
Tumatabo raw ang movie ni James at hit na hit ito sa takilya. Kaya lang, parang umeeksena itong non-showbiz girlfriend niya. Parang merong nang-iintriga sa kanya kaya hindi na rin siya nakapagpigil at pinatulan na rin niya.
Nag-explain ang non-showbiz girlfriend ni James na walang issue sa kanila ni Nadine Lustre, ang leading lady ng boyfriend niya sa movie. Pinag-aaway kasi sila nito.
Marami ang nanglait kay James dahil itinatago niya ang kanyang girlfriend sa publiko. Parang ayaw niya itong ipakilala sa madla dahil siguro heartthrob ang packaging sa kanya.
Sabi ng marami, parang hindi raw proud si James sa kanyang girlfriend kaya itinatago niya ito sa fans.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.