Tsansa sa US (2) | Bandera

Tsansa sa US (2)

Joseph Greenfield - April 05, 2014 - 03:07 AM

Herminio, ng Barangay City Heights, General Santos City
Problema:
1.      Matagal na naming balak magtrabaho sa Amerika.  Puwedeng mauna muna ako at susunod na lang ang asawa ko.  Ayaw na naming mamalagi rito sa Pilipinas. Bukod sa mababa at hindi tumataas ang suweldo, wala pang asenso.  May mga kamag-anak kami na nagtatrabaho sa Amerika pero nakapasok sila noong hindi pa mahigpit.
2. Umuusad naman ang papeles namin pero napakabagal lang.  Malaki na ang nagagasta namin kapag kami’y kailangan magpunta sa Maynila.  Malapit nang makumpleto ang aming requirements kaya’t sabik na sabik na ako na makaalis.  Kailan ba kami makaaalis?  July 10, 1970 ang birthday ko at September 11, 1977 ang misis ko.
Umaasa,
Herminio, ng Barangay City Heights, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo ang nagsasabing kapwa nga kayo suwerteng mag-asawa sa paninirahan sa ibang bansa, higit lalo kung ang isa sa inyong mga anak ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn.
Numerology:
Ang birth date ninyo ay nagsasabing sa taon 2015 tiyak ang magaganap, susuwertehin ka nang maka-alis pa-Amerika.
Graphology:
Ang pag-aanalisang tiyak na mangingibang-bnansa ka ay madali namang kinumpirma ng lagda mong umaangat paitaas. Tanda na sa panahon ngayon nasasagap na ng unconscious mong isipan ang magaganap – ang makasakay sa eroplano upang ganap na ngang makapanirahan sa ibayong dagat.
Huling payo at paalala:
Herminio, ayon sa inyong kapalaran, kung babae ang kamag-anak mong tumulong sa  inyo upang matupad ang pangarap ninyo, nakatakda na ang mangyari sa 2015, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre, makakaalis ka na, upang paglipas pa ng ilang panahon, ang buong pamilya naman ang samasama ng makapanirahan sa Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending