Pagbubuntis ni Maja false alarm


So, hindi totoong buntis si Maja Salvador tulad ng kumalat na chika. Ito’y matapos ngang isugod ang aktres sa ospital dahil sa sobrang pananakit ng tiyan.

Ayon sa ulat, mismong ang boyfriend ni Maja na si Gerald Anderson ang nagbalita na maayos na ang kundisyon ng Kapamilya leading lady. Kuwento ng aktor, totoong naospital si Maja dahil sa stomach pain.

Sey ni Gerald, ito’y dahil sa sobrang pag-inom ni Maja ng soda sa halip na tubig. Pero aniya, huwag nang mag-alala ang kanyang mga fans at mga kaibigan dahil okay na uli ang dalaga at balik-trabaho na.

Ibig sabihin, false alarm ang tsismis na siya’y buntis.

Read more...