Libreng tuition ng PVAO

GOOD day po sa inyo. Ang lola ko ay beneficiary ng PVAO dahil dependent siya ng lolo kong namatay na. Sabi po sa akin ng lola ko, may scholarship program daw po ang PVAO.
Pwede po ba ako na makakuha ng scholarship sa pagpapatuloy ko ng pag-aaral sa college bilang apo niya? Mabuhay po kayo. Kung pwede po, ano po ang requirements?
Jaime dela Fuente

REPLY: Ang PVAO education benefits ay para lamang sa isang direct descendant ng World War II veterans o tinatawag na ‘war veterans’ kabilang ang mga lumaban sa sa Vietnam at Korean war.

Etong tatlong kate-gorya lamang ng mga beterano ang maaaring makapag-avail ng PVAO educational benefits program alinsunod na rin sa Republic Act 65 of Bill of Rights ng mga beterano na nagbibigay pagkakataon sa mga beterano na nakipaglaban sa digmaan na para mapabuti ang kanabukasan at maitaguyod ang pamilya.

Dahil sa marami sa kanila ang hindi na nakapag-aral after the war eto ay naamyendahan.

Dahil naamyendahan na ito, maaaring ang asawa ng beterano, anak o ma-ging apo at maging ang apo sa tuhod ay pwede rin basta direct descendant ng beterano ang gumamit o maging benipisyaryo ng educational program na ito

Kung World War II veteran ang lolo mo ay pasok ka sa programa, pero kinakailangang masiguro na hindi pa ito nagagamit.

Ito ay maiuturing na isa sa pinakamahalagang benipisyo na
ipinagkakaloob ng PVAO at maituturing din na investment para sa kanilang kinabukasan at sa kanilang pamilya.

Maari kayong mag- down load ng form mula sa www.PVAO.mail.ph o makipag-ugnayan sa tanggapan ng PVAO para sa mga kinakailangang requirements.

Ilan sa requirements ay marriage certificate, birth certificate ng anak o birth certificate ng bata na magiging grantee. Libre sa isang college course. We provide educational subsidy for one college course o depende sa kursong pi-piliin ng batang gagamit.

May ipinagkakaloob na subsidy na P36,000 kada taon. Maaari ito sa 4 o 5- year course.

Subali’t kinakailangan na ang batang magiging benipisyaryo ay 4th year high school pa lamang ay sinisimulan na ang pagproseso sa mga papers o dcument para mai-award ang education benefits bago magcollege ang estudyante.

Maria Juanita
Fajardo Rivera
Public Information Office, Spokesperson
Philippine Veterans Affairs Office

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.

Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.

Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...