Tsansa sa US | Bandera

Tsansa sa US

Joseph Greenfield - April 04, 2014 - 03:53 AM

Sulat mula kay Herminio, ng Barangay City Heights, General Santos City Dear Sir Greenfield, Matagal na naming balak magtrabaho sa Amerika.  Puwedeng mauna muna ako at susunod na lang ang asawa ko.  Ayaw na naming mamalagi dito sa Pilipinas dahil bukod sa mababa at hindi tumataas ang suweldo ay wala pang asenso.  May mga kamag-anak kami na nagtatrabaho sa Amerika, na nakapasok doon noong hindi pa mahigpit.  Umuusad naman ang papeles namin pero napakabagal lang.  Malaki na ang nagagasta namin kapag kami’y kailangan magpunta sa Maynila.  Malapit nang makumpleto ang aming requirements kaya’t sabik na sabik na ako na makaalis.  Kailan ba kami makaaalis?  July 10, 1970 ang birthday ko at September 11, 1977 ang misis ko. Umaasa, Herminio, ng Barangay City Heights, General Santos City Solusyon/Analysis: Palmistry: Kapwa may malawak at malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad ninyo. Ibig sabihin, sa takdang panahong—ang kapalaran ang naglaan— maa-approve din ang aplikasyon ninyo sa US embassy. Una kang makakaalis at kapag nandoon ka na, mga isang taon ang lilipas, ay saka mo naman makukuha si misis at ang inyong mga anak upang ang buong pamilya ay tuluyan at ganap nang makapanirahan sa Amerika. Cartomancy: Queen of  Diamonds, Three of Diamonds at Ace of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing suwerte ka sa iyong misis. Susuwertehin ka rin sa tulong ng babaeng mayaman na nasa US na. Malaki ang pag-asa na sa last quarter ng 2015 ay may paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.

 Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending