Retirement benefits sa PVAO

AKO po si Pilita de Guzman ng San Jose Del Monte, Bulacan. Gusto ko lang po sanang alamin kung may retirement benefits po na makukuha ang lolo ko at kung pwede na po itong makuha.
Ang name po ng lolo ko ay Casimiro de Guzman.

REPLY: Wala pong ipinagkakaloob ang PVAO na retirement benefits ma-liban na lamang kung ikaw ay nasa government at naghuhulog para pagretiro mo ay may buwan buwan kang retirement pension.
Sa aspeto ng retirement benefits ng AFP. Walang kailangang i-contribute Pero pag ikaw ay isang retiradong miyembro ng AFP, may retirement pension ka.

Walang ipinamamahagi ang PVAO na retirement pension dahil hindi naman kinakailangan mahaba ang serbisyo para ituring na beterano.

What we are after is any pension who rendered honorable military service in the land, sea or air forces of the Philippines sa loob ng 6 na taon lamang o cumulative service, sila ay matatawag ng beterano.

Ngunit noong 2006 ay naamyendahan ito. Ibig sabihin ang lahat ng papasok sa serbisyo after July 2006 kinakailangan na nilang buuin ang 20 years sa serbisyo.

Pero yung iba 6 na taon lamang, at old age pension po ang tawag dito.

May dalawang kondisyon ang dapat na masunod, una, kinakailangan na ma-meet ang minimum requirement na length of service required by law at pangalawa ang manner ng discharge ay ‘honorable’.

Maria Juanita

Fajardo Rivera

Public Information Office, Spokesperson
Philippine Veterans Affairs Office

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...