Kathryn kay Daniel: Pero dapat mas lalo pa siyang maging good!

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

SIYEMPRE, tuwang-tuwa si Kathryn Bernardo dahil alam niyang walang problema sa kanyang mga magulang ang “relasyon” nila ni Daniel Padilla.

Feel na feel ng teen queen ng ABS-CBN ang mensahe ni kanyang tatay tungkol sa kanila ni Daniel noong nakaraan niyang debut party. Kung matatandaan, inihayag ng ama ni Kathryn na “so far, so good” ang binata sa kanilang pamilya. Ibig sabihin, botong-boto sila sa binata dahil sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kanilang anak.

Ayon naman kay Kath, “Sabi nga niya (daddy) so far so good, so ayun, marami pa namang time si DJ para maging good pa siya.”
Hirit pa ng dalaga sa interview ng ABS-CBN, “So yeah as along as okay naman ‘yung intention niya, wala namang problema doon.”

Nakakahinga na ng maluwag ngayon si Kath dahil tapos na at naging matagumpay nga ang kanyang 18th birthday celebration noong March 29, “Natapos na, grabe so overwhelming talaga, so grabe ang saya,” ani Kathryn kasabay ng pagsasabing ang pinaka-memorable na eksenang hindi niya makakalimutan during the party ay, “Aside from the 18 treasures, ‘yung 18 roses siguro and ‘yung message ni mama and papa para sa akin.”

At ngayong officially ay matatawag na siyang dalaga, dahil nasa legal age na siya, “Nu’ng una sinabi ko na hindi ko na feel, pero ngayon medyo nagsi-sink in. Gusto ko lang talaga mag-enjoy ngayon 18 na ako.”

Read more...