GF ni James Yap inimbita ni Kris sa party ni Bimby

TALAGANG naka-move on na si Kris Aquino mula sa kanyang relasyon sa dating mister na si James Yap. Pagtatapat ni Kris, unti-unti na silang nagiging magkaibigan ng dating mister kaya nga raw inimbitahan niya ang Italian girlfriend ni James na si Michaela Cazzola sa 7th birthday ni Bimby sa April 19.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, sinabi ni Kris na tinext siya ni James na maghati sila sa gastos para sa birthday ng kanilang anak.

Idinetalye naman ni Kris ang party ng bata at ang gastusin sa isa ring text message.Nagulat umano si Jame. “He replied by saying nalaglag siya sa upuan niya pero GO,”  kwento ni Kris.

“I replied (with) ‘hehehe’ okay lang, whatever lang he was comfortable with. He said, okay lang para kay Bimb,” dagdag pa ni Kris. “We’re not yet there but we are almost friends again,” hirit pa ng kapatid ni Pangulong Aquino.

Kwento pa ni Kris nagsimula umano ang pagbabati nila ni James nang i-text siya nito noong birthday niya at sabahin na siya ay isang “excellent mom”.

“So maybe sometimes when we love our kids, we learn to forgive the failure of the marriage and we focus on succeeding as parents and being happy that we’ve all moved forward,” say pa ni Kris.

Dahil dito, sinabihan niya anya si James na dalhin sa party ang GF nitong si Michaela.

Read more...