P63.3M jackpot sa 6/49 tinamaan; P20M sa 6/42 naiuwi rin

TUMAYA sa Pampanga ang nanalo ng jackpot prize ng Super Lotto 6/49 at sa Iloilo naman ang nakakuha ng jackpot prize ng Lotto 6/42.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office tinamaan ang mga jackpot prize ng Super Lotto at 6/42 na magkasunod na binola noong Martes ng gabi.
Sa San Fernando, Pampanga tumaya ang nanalo ng P63.332 milyong jackpot prize ng Super Lotto matapos makuha ang kombinasyong binola na 22-20-17-09-13-29.
Nakuha naman ang P20.1 milyong jackpot prize ng 6/42 sa bayan ng Jaro sa Iloilo. Siya ang nag-iisang nakakuha sa mga numerong 27-08-04-40-33-12.

Read more...