Plunder, graft vs Napoles, 3 senador

SASAMPAHAN na sa Sandiganbayan ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman sina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Ramon Bong Revilla Jr., at Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng maanomalya umanong paglalagay ng kanilang pork barrel fund sa mga bogus na non-government organization ni Janet Lim Napoles.

Inanunsyo ng Ombudsman sa isang press conference na nakakita sila ng sapat na ebidensya upang isampa ang kasong plunder, isang non-bailable offense, at iba pang kasong kriminal.

Sa kasong plunder na isasampa laban kay Enrile, kasama niya ang kanyang chief of staff na si Jessica Lucila Reyes, Ruby Tuason, Napoles, Ronald Lim at John Raymund de Asis.

Umabot umano sa P172.8 milyon ang kickback o komisyon na nakuha ni Enrile sa paglalagay nito ng kanyang Priority Development Assistance Fund sa mga bogus NGO.

Kasama naman ni Revilla sa kasong plunder sina Richard Cambe, Napoles, Lim at De Asis. Umabot umano sa P242.5 milyon ang kickback o komisyon na nakuha ni Revilla sa iligal na transaksyon.

Sa kasong plunder na isasampa kay Estrada kasama naman niya si Pauline Therese Mary Labayen, Napoles, Tuason at de Asis.
Umabot naman umano sa P183.793 mil-yon ang kickback o komisyon na nakuha ni Estrada sa iligal na transaksyon.

Ang modus operandi umanong ginamit ay magkakatulad. Kakausapin ni Napoles ang mambabatas at mga opisyal ng ahensya kung saan dadaan ang pondo at bibigyan ang mga ito ng komisyon.

( Photo credit to INS )

Read more...