Enrique, Julia posibleng maging magdyowa


Dinumog ng libo-libong Kapamilya viewers ang Mirabella lead stars na sina Julia Barretto, Sam Concepcion at Enrique Gil sa ginanap na “Mirabella Summer Sundate” kamakailan sa Ayala Fairview Terraces sa Q.C..

Bilang pasasalamat sa mataas na TV ratings ng kanilang programa, hinandugan nina Julia, Sam at Enrique ang kanilang fans ng mga nakakaaliw na production numbers at nakakakilig na sorpresa.

Tampok din sa “Mirabella Summer Sundate” ang buong barkada ng top-rating ABS-CBN fantaserye na sina Mika dela Cruz, Diego Loyzaga, Alora Sasam, Noemi Oineza, Nikki Bagaporo, Paulo Angeles, Ryle Santiago, Marinela Sevidal at Alexa Macanan.

Samantala, tiyak na patuloy na mahu-hook ang mga manonood sa Mirabella sa pagdating nina Jeremy (Enrique) at Terrence (Sam) sa buhay ni Mira (Julia). Paano babaguhin ng dalawang binata ang masalimuot na mundo na kinalakihan ni Mira?

Matatagpuan na ba ni Mira sa kanila ang matagal na niyang hinahanap na pagmamahal at pagtanggap? Huwag palampasin ang teleseryeng babago sa kahulugan ng tunay na kagandahan, Mirabella gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Anyway, marami ang naniniwala na posibleng maging magdyowa sina Enrique at Julia, bagay na bagay daw kasi ang dalawa at kung kakaririn ng binata ang panliligaw sa kanyang leading lady, malaki ang posibilidad na bumigay sa kanya ang dalaga.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Read more...