NOONG December 2013, hindi naibigay ngPVAO ang pension ng nanay ko dahil kailangan pa raw alamin ng ahensya kung buhay pa sya.
Ang tanong ko po, bakit kailangang sa araw ng pagkuha ng pension nila pinapaalam sa amin na kailangan ng verification kung buhay pa si nanay? Bakit hindi nila ito gawin a month earlier para hindi napuputol ang pagkuha ng pension? Im sure, hindi lang si nanay ang nakaranas nito. Kawawa naman po ang mga matatanda. Kailangan nila ang pension pambili ng kanilang mga gamot.
Isa pa, mga matatanda na po ang mga surviving spouses ng veterans. Hindi po madali para sa kanila na pumunta sa opisina ng PVAO.
Kung nais talaga nilang malamang buhay pa ang isang benepisyaryo ng PVAO ay puntahan na lang nila sa bahay.
Nanghihingi po ako ng tulong sa inyo na maiparating ang problemang ito para sana po ay mas mapabilis ang proseso ng evaluation ng PVAO sa nanay kong buhay na buhay pa, para naman maipagpatuloy na asap ang pension ni nanay with tracking no.
Sumasainyo,
Jo
REPLY: Gusto ko po na linawin na hindi po tayo nag stop ng pension sa panahon na nasa bangko na ang pension.
May re-validation program po ang PVAO. This is to monitor pension accountability, dapat ang PVAO at pensioner ay nagkakaisa sa pagpapaalam ng estado nila sa PVAO.
Ang layunin ng re-validation program ay upang maipaalam na ang pinapadalhan ng pension ay mga legitimate beneficiary o lehitimong bete-rano. Kailangan din na malaman ang living status at identity.
Ito ay isa sa anti- corruption measure ng PVAO kaya napakahigpit sa pag-monitor ng living status ng mga pensioners upang maiwasan ang ghost pensioners
Ang re-validation na ito ay isinasagawa taun-taon sa birth month ng mga pensiyonado.
Ipinapayo ko sa mga anak ng beterano dahil tumatanda na ang mga magulang ninyo kayo na lamang ang mag-asikaso ng mga kinakailangang dokumento.
Hindi na rin kinakailangan pang pumunta sa tanggapan ng PVAO ang mga beterano, Maaari lamang magsubmit ng update form kalakip ng kanilang larawan at 2 valid IDs at ipadala lamang sa tanggapan ng PVAO.
Kinakailangan din magpa-picture ang beterano na may hawak na dated na newspapers para mapatunayan na buhay pa rin ang pensyonado o benipisyaryong may-bahay nito.
Kapag sumapit ang birth month na walang submission kami po ay nagpapadala ng liham na nakalakip ang form para sa e-validation program ng PVAO at kapag naka tatlong padala ng letter at hindi pa rin nagkakapag comply, we are constrain to temporary suspend the pension at kinakailangan ng makipag-ugnayan sa PVAO o sa anumang field office ng tanggapan.
Maria Juanita
Fajardo Rivera
Public Information Office/Spokesperson
Philippine Veterans Affairs Office
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!