Vhong: Sana matapos na, at di na rin po maulit kahit kanino!
Isang malaking hamon ang pagbabalik sa big screen ni Vhong Navarro. Tuloy-tuloy ang engrandeng selebrasyon ng Star Cinema ng kanilang ika-20 anibersaryo.
Bubuksan ng Star Cinema ang ikalawang quarter ng 2014 sa pamamagitan ng “Da Possessed” – ang pinakanakakaloka at pinaka-out-of-this-world na comedy movie para sa buong pamilya ngayong summer season na naghuhudyat ng grand comeback ni Vhong sa big screen.
Admittedly, isa si Vhong sa pinaka-accomplished at pinaka-talentadong komedyante ng kanyang henerasyon. Di matatawaran ang kontribusyon sa larangan ng komedya na binubuo ng kanyang kamangha-manghang mga pelikula na pawang walang tigil ang tagumpay sa takilya.
Ang tinaguriang Vhong Navarro Franchise ay kinabibilangan ng tatlo sa pinaka di malilimutan at pinakakumitang comedy films na pinrodyus ng Star Cinema tulad ng “Mr. Suave” (2003), “D’ Anothers” (2005), at “Agent X44” (2007) – na lahat ay idinirek ni Bb. Joyce Bernal and this is Vhong’s comeback after seven years.
Test ito for Vhong and Star Cinema dahil coming from a very big controversy ng bida and still recovering pa lang. If the audience is indeed supporting him from what happened, asahang kikita ang movie when it opens nationwide this April 19.
“Da Possessed” is directed by Joyce pa rin and has a Kapuso star Solenn Heussaff for a partner. This is a joint project of Star Cinema and Regal Films by the way and among the cast are Smokey Manaloto, Empoy, John Lapus, Beverly Salviejo, Lito Pimentel, Joy Viado, Aaliyah Belmoro, Matet de Leon at Joey Marquez.
As for the mauling incident naman, Vhong has this to say, “Hindi ko naisip na puwede palang mangyari iyon sa akin. Kumbaga, napapanoood ko lang iyon sa pelikula o sa soap opera.
Basta ang pinakagusto kong mangyari…matapos at malagpasan ito, at ayoko nang maulit ito sa kahit kanino.”
( Photo credit to Entertainment.Inquirer.Net )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.