Kasal nina Heart at Chiz sa 2015 mamalasin; may dalang sumpa


MAMALASIN ang kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero. ‘Yan ang paniniwala ng ilang matatanda sa maaaring kahantungan ng relasyon ng dalawa.

Hangga’t wala raw blessing ang pagsasama nina Heart at Chiz ng mga magulang ng Kapuso actress, hinding-hindi raw magiging 100% happy ang magdyowa.

May nagsabi naman na kaya raw hindi pa rin magawang pakasalan ng senador ang girlfriend ay dahil hindi pa rin siya tanggap hanggang ngayon ng mga parents ni Heart.

Alam n’yo naman ang kultura dito sa bansa natin, may pagka-conservative pa rin, lalo na ang paniniwala ng matatanda.
Sey nga ng isang kausap namin, “Sana sila na ang magpakumbaba, kitang-kita naman na parang nagmamalaki pa sila, na parang wala silang pakialam kahit na galit ‘yung parents ni Heart.

Hindi sila magiging masaya kahit kailan hangga’t may sumpa sa relasyon nila.” Sa isang interview kay Heart, sinabi nitong inaasahan na niya na hindi pupunta ang kanyang ama’t ina sakaling matuloy na nga ang kasal nila ni Chiz sa 2015 tulad ng naunang napabalita.

“Even with my past relationships, it was very clear to me that they weren’t really going to be there on my wedding day. So now that it’s very serious, I don’t really think that they will be there. But you can only do so much,” chika ng aktres.

Pero siyempre, iimbitahin pa rin niya ang mga ito bilang respeto, “I’ll definitely give them heads up, ‘By the way.’ But I’ve accepted that. You never know. But I also don’t think much of the ‘you never know’ because I don’t wanna get hurt.

But I have accepted it.”  Sa kabila nito, umaasa pa rin si Heart na bago dumating ang kasal nila ni Chiz ay magiging maayos na ang lahat at magkakabati na sila ng kanyang ina, “We’re not really there yet.

But you know, they’ll always be my parents so whether we’re not really doing good or we’re not really talking to each other, that doesn’t change anything.

“So I’m sure in time, and I guess it’s also how you live your life, you’re living a good life, eventually they will see that. I’m confident naman na in time, maaayos din,” anito.

For his part, sinabi naman ni Sen. Chiz na totoong may plano na siyang pakasalan si Heart pero hindi pa siya nagpo-propose sa dalaga, “Magpapakasal, oo.

Gusto ko kasi mabuo ang pamilya ko…syempre kasabay ng, literally and figuratively, pagtanda. Actually, mas malapit ‘yan sa tingin ko kaysa pagtakbo sa election sa 2016. Personal munang buhay bago pulitika.”

Ang tingin naman ng iba, mas mauuna pa ang “honeymoon” ng dalawa kesa sa kasal dahil sa darating na June ay pupunta nga sila sa Paris para sa bonggang bakasyon.

Hindi pa nakakapunta ang aktres sa Paris at nangako siya na magtutungo lang siya roon kapag kasama na niya ang taong gusto niyang mapangasawa.

“I’ve never been to Paris. Also it’s a very romantic place so parang that’s something I want to share with him. I’ve never gone there and also sinabi ko before na when I go to Paris with that special person, sure na sure na.

So sure na sure na,” chika pa ni Heart.

Read more...