Manlolokong promoter sa Dubai kakasuhan nina Maui at Katya


Desidido sina Maui Taylor at Katya Santos na kasuhan ang show promoter na diumano’y nanloko sa kanila sa Dubai. Naisulat namin dito ilang araw lang ang nakararaan ang tungkol sa mapait na sinapit ng dalawa nating sexy stars sa nasabing bansa.

Ayon kina Maui at Katya, hindi sila binayaran ng nasabing promoter matapos silang mag-show sa Dubai noong March 8 hanggang March 12, na-delay pa nga raw ang pag-uwi nila sa bansa dahil wala pa silang plane ticket pauwi.

Nagtago na raw ang promoter at hindi na nila makontak. Sa ngayon, patuloy nilang inaasikaso ang pagpapahuli at pagpapa-deport sa suspek para pormal na makasuhan.

Nai-report na rin nila ang kaso sa Al Raffa Police Station sa Bur Dubai. Dito nalaman nina Maui na marami na palang ganoong kaso ang promoter at wala pala itong legal na papeles para mag-produce ng show sa Dubai.

Read more...