Yolanda survivors: DSWD palpak talaga

MINSAN na natin natalakay dito sa Tropang Bandera ang naging kapalpakan ng Department of Social Welfare and Development—at ang pinakahuli nga ay itong mga napabalitang trak-trak ng mga relief goods na mga uod lang ang nakinabang dahil sa nabulok lang dahil hindi ibinigay ng mas maaga sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ngayon, hindi lang tayo ang nagsasabi na palpak nga ang DSWD kundi mismo ang mga ka-tropa natin mula sa Kabisayaan na sila mismo ay naging biktima ng bagyong Yolanda, at muli pang nabiktima dahil sa kabagalan kundi man sa kawalang aksyon ng gobyerno, partikular na ng DSWD.

Narito ang mga obserbasyon, karanasan ng mga katropang survivors ng Yolanda sa kung gaano nga ba kapalpak ang ahensiya ng gobyerno sa pagtugon sa kanilang mga hinaing matapos ang hagupit ng super bagyo.  Sana lang marinig ito ng administrasyong Aquino, higit pa ni DSWD Secretary Dinky Soliman.

Sa dami ng mga texts na natanggap natin mula sa Leyte at Samar, minarapat namin na piliin lang dahil sa kakulangan ng espasyo. Narito:

Bulok sistema ng gobyerno sana sila na lang lahat ang nilipol ng bagyong Yolanda, kung sino pa ang nasa posisyon para umintindi yun pa ang mga hudas.  Hindi pa naman ngayon, may nakalaan din para sa kanila, sobra pa sa hagupit ni Yolanda, mga bulok sistema! Walang inisip kundi sarili nila.— …1281

Maayong hapon tropang bandera.  Si Jun po ito from Matag-ob, Leyte.  Nabasa ko now lang yung DSWD na hugas kamay.  Tama yon eh, kahit dito sa bayan ng Matag-ob may tinapon ding mga relief goods kasi inuod na, samantala ang mga tao sa panahong kapus na kapos pa sa pagakin 2 beses palang nagbibigay ang DSWS ng relief mula November hanggang sa buwang ito.  Pati yung tinatawag nila na cash for work, Novmber pa ipinangako pero hanggang ngayon wala pang sahod. —Jun, 45, Matag-ob, Leyte, …9916

Pare-pareho lang po kaming mga biktima ng Yolanda bakit po pinipili lang po ng DSWD ang bibigyan ng tulong pinansiyal, nawalan na kami ng bahay, nakikitira lang po ngayon ang asawa at mga anak ko sa parents niya, hanggang ngayon po di pa namin napapagawa ang bahay namin. — …3825

OO very poor manager si PNoy. Hndi nya mcontrol ang ktiwaliang nagaganap dito sa mga aid para sa yolanda victims. ska bkit 6k+ lang ang reportd na patay?eh mahgt 8k na nga sa tanauan pa lang ang body count noong frst friday na dcmbr 2013. mga magnanakaw talaga. gagamitin nyo no sa 2016 election ang mga donasyun? 20-30k+ ang patay dahl kay yolanda dito sa leyte! mga sinungaling! —Alex Maceda, 30, Leyte, ….5669

Read more...