UM-ATTEND pala ng birthday party ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo. It is, to us at least, a clear indication na ipinaglalaban nga ni Sarah si Matteo sa kanyang ina.
If we are to believe rumors kasi, Sarah’s mom was very much against the racer-turned-actor for reasons only known to her.
Kaliwa’t kanang banat ang inabot ni Divine dahil sa madalas na pakikialam niya sa love life ng kanyang anak.
Nothing wrong really, that is, kung menor de edad pa si Sarah. But at 25, many felt na hindi na tama ‘yon, na her meddling ways were beyond understanding na.
After all, hindi ba’t si Sarah ang nagpapakain sa kanyang buong pamilya, nagbigay ng luho sa lahat ng kanyang kapatid at nagbigay ng matinding convenience sa buong family niya?
Mas marami ang natuwa when Sarah’s photo sa Instagram na katabi si Matteo came out at magka-holding hands pa. Meaning, hindi na sila makakapagdenay sa relasyon nila ngayon.
At least marunong na ang dalaga na ipaglaban ang kanyang right bilang anak. Kung totoo rin ang nabalitaan namin, kasama ng Pop Princess ang kanyang over protective mother sa party ni Matteo.
Mukhang hindi na kayang manduhan ni Divine ang kanyang anak kaya join na rin siya sa party para gwardiyado pa rin si Sarah.