Sulat mula kay Amor, ng Barotac Nuevo, Iloilo
Problema:
1. Hindi maalis-alis sa isipan at damdamin ko ang aking dating boyfriend. Siya kasi ang una kong boyfriend. Kahit na may bagong boyfriend na ako ngayon, ang aking dating boyfriend pa rin ang nasa isip ko. Kapag kasama ko ang bagong boyfriend ko, nagkukunwari na lang ako na nasa kanya ang damdamin ko. Umalis ang dating boyfriend ko at nagpunta sa malayong probinsiya.
2. Pero, nangako siya na babalikan ako. Kailan kaya siya babalik? Mahigit na isang taon na rin siyang hindi nagpaparamdam. Labis na ang pangungulila ko, hanggang sa dumating ang aking kasalukuyang boyfriend. Ang akala ko ay makalilimutan ko na ang una kong boyfriend pero hindi pala. Babalik pa kaya siya? Magtatapat na ba ako sa kasalukuyang boyfriend ko hinggil sa tunay na damdamin ko?
Umaasa
Amor, ng Barotac Nuevo, Iloilo
Solusyon/Analysis
Astrology:
Amor, tama ang binabalak mo, ‘wag mong gawing panakip butas sa pangungulila mo sa first love mo ang kasalukuyan mong BF. Kung hindi mo naman siya mahal makipag-break ka na sa kanya. Ayon sa iyong kapalaran, muling magbabalik ang first love mo, upang muli nyong pagdugtungin ang inyong pagmamahalan, na hahantong na a isang maligaya at panghabambuhay na samahan.