Para sa may kaarawan ngayon: Linggo na naman! Simulan sa pagsisimba ang iyong kaarawan. Magsuot ng kulay na red. Sa ganyang paraan, sa pag-ibig at pananalapi, susuwertehin ka. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Magmadali! Kapag laging tinatapos agad ang mga gawain, mas malaking salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, wag ng umarte-arte pa, baka lumipas ang tumitinding pagnanasa ng kasuyo, pagbigyan mo na siya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jiva-Gosvami-Om.” Lilac at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Wala ka ng magagawa kung pinagkalooban ka ng kasuyong hindi masinop sa salapi. Ikaw ang dapat magsimulang mag-sinop ng inyong kabuhayan upang kayo ay umunlad at yumaman. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Aum-Arjuna”. Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Ayusin ang sariling kabuhayan! Kung uunahin ang sarili mong kapakanan, mas mabilis kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, mahalin ng husto ang kasuyong Sagittarius bago siya tuluyang mawala. Mapalad ang 5, 12, 27, 33, 31 at 39. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Gray at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Hindi dapat panghinaan ng loob! Ngayon na ang pinaka-magandang pagkakataon upang sumugod. Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang masungkit ang isang matamis at masarap na romansa. Mapalad ang 2, 16, 18, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Katha-Om-Umali.” Lilac at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Hindi ka pa ba sinusuwerte? Ayaw mo kasing magsuot ng golden yellow na damit. Sa nasabing kasuutan, dagdag na salapi at masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Sukadeva-Om-Mantra.” Bukod sa golden yellow mapalad din ang orange.
Virgo – (August 23 – September 22) – Upang umunlad at lumigaya, ikilos at isagawa ang iyong mga pangarap. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong ng kasuyong Capricorn upang magma-materialize ang lahat ng bagay. Mapalad ang 8, 11, 20, 29, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Om-Purana.” Silver at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Wag ibuhos ang panahon sa pagtulong sa iba, sa halip, paglaanan ang sariling pamilya. Kapag nagawa mo yan, mas magiging maligaya ka. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang palpak na ginagawa ng kasuyong Aquarius, darating ang panahong magbabago din siya. Mapalad ang 2, 9, 21, 30, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Wag mahirati sa bahay lang at sa iisang lugar. Sa isang paglalakbay, maraming mga oportyunidad ng pagkakakitaan ang madidiskubre. Sa pag-ibig, sa malayong lugar mo mami-meet ang iyong true love. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Factum-Aum-Miraculum.” Beige at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Tama ang pasya mong lumayo. Sa malayong lugar mas maraming salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, lalong mapapamahal ang kasuyong Aries, kapag malayo ka sa kanya. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om-Bhuvah.” Red at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Mas mainam na ang nagpapakumbaba, kaysa lagi ka na lang dominante. Sa ganyang paraan, higit kang mapapamahal sa iyong kasuyo. Sa pinansyal, habang nagpapakumbaba kusang lalago ang salapi. Mapalad ang 3, 19, 22, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti.” Yellow at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Tama ang nabubuong kongklusyon sa iyong isipan, kung hindi sinunod ang payo ng iba, maligaya ka sana ngayon. Hindi pa huli upang magbago, sa susunod na desisyon, sundin ang tibok ng puso upang lumigaya. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Govinda-Om-Rama.” Black at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Wag mag-apura, ang pagyaman ay hindi nakukuha sa pagmamadali. Sa pag-ibig, palitan na ang kasuyong Aquarius na wala namang dagdag na pag-unlad at saya na naidudulot sa iyong buhay. Maghanap ng mayamang Scorpio. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vai-Aum-Nhava.” White at purple ang buenas.